K-Pop Group Na Enhypen Nabastosan Nga Ba Sa Ginawa Ng Lady Guard Sa NAIA?

Martes, Pebrero 7, 2023

/ by Jerome

 

Lady Guard sa NAIA umani ngayon ng maraming pambabatikos matapos magviral ang video  kung saan ay makikita siya na kinikilig habang kinakapkapan ang K-Pop group na Enhypen. 

Samantala trending naman ngayon ang mga salitang "Unprofessional, at nakakahiya" sa twitter matapos magviral ang video na ito. Ibinandera naman umano ng mga fans ng Enhypen, ang insedenting nangyari sa NAIA.

Nag trending din naman sa twitter ang hashtag MIAA do Better, ng kumalat ang isang tiktok video na kung saan makikita ang lady guard na kinakapkapan ang mga membro ng Enhypen group. Pauwi na sa Korea ang K-pop group matapos ang kanilang 3 days sold out manifest to world tour in Manila. Ginanap sa SM Mall of Asia sa Pasay City noong February 3 hanggang February 5 nitong taong 2023. 

Makikita nga sa nasabing video na kung saan ay nagbo-body frisking ang babaeng security staff sa mga miyembro ng K-pop idol makikita naman na tila kinikilig ang lady guard habang nag ba-body check pa umano ito. Subalit hindi naman ito nagustuhan ng mag Enhypen fans na tila nabastusan at na offend sa inasal ng security guard. 

Naging komento naman ng isang fan sa kanyang tweet, "Nakakahiya maging Pilipino kung ganito lang gagawin niyo. Proper work ethics where Professionalism where? Bakit ganito mga staff niyo? Bakit ganyan yong nagiinspect, why is she smiling like that? Is that how it really supposed to be done? no right."

Dagdag naman ng isang netizen, "Ang tanda-tanda mo na umayos ka naman, unprofessional. Kahihiyan na naman ng ibang mga empleyado niyo."

Reaction naman ng isa sa mga netizen na, "This really shows why NAIA labeled as the worst airport in the world, they are just too low from being unprofessional to harassing someone.?"  


@jacquesjax #stitch with @nishimura my 2 cents on the naia airport enhypen security check saga #naia #travel #traveltiktok #reaction #enhypen ♬ original sound - Jax

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo