Kapatid Ni Maja Salvador Na Si Jessi Salvador Sasabak Sa Bb. Pilipinas!

Lunes, Pebrero 6, 2023

/ by Lovely


Susubukan ng kapatid ni Maja Salvador na si Jessie Salvador ang kanyang kapalaran sa inaasam na Bb. Pilipinas pageant. 

Ibinahagi ni Maja sa kanyang IG Story ang larawan ng kanyang kapatid kasama ang dalawa pang babae. Ni-repost din niya ang post ng @bbpilipinasofficial.

Sa caption, ipinahayag ni Maja Salvador kung gaano siya ka-proud sa kanyang kapatid.

"Goodluck Bb. @itsjessisalvador So Proud of You!!!!"

Ayon sa aming nakalap na impormasyon, kasalukuyang nag-uundergo ng training si Jessie sa ilalim ng Aces and Queen.

Inamin naman ni Jessi na si Maja ang isa sa mga nagkumbinsi sa kanyan na pumasok sa pageant. Sinabi rin niya na gusto niyang magkaroon ng tiwala sa sarili, at makamit ang isang bagay sa buhay.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo