Ken Chan Inamin Na Nasaktan Niya Noon si Rita Daniela!

Miyerkules, Pebrero 22, 2023

/ by Lovely


 Sa kauna-unahang pagkakataon nagsalita na si Ken Chan hinggil sa nangyari sa pagitan nila ng dating kaloveteam na si Rita Daniela.


Sa kanyang guesting sa programang Fast Talk with Boy Abunda sa GMA7, inamin ni Ken Chan na dumating ang puntong na-inlove siya sa kanyang on-screen partner.


Inamin rin niya ang nangyaring hindi pagkakaunawaan nila ng dating ka-loveteam na si Rita.


Saad ni Ken, “Hindi kami nag-aaway, Tito, pero mayroon kaming hindi napagkasunduan."

"I'll be honest, Tito. Dumating kasi sa point kami ni Rita… Totoo pala 'yon, 'no? Posible ka pala talagang mahulog sa ka-love team mo. Akala ko kasi dati hindi totoo 'yun, e, parang kaya mong pigilan."


Inamin din naman umano nila sa isa't-isa na nahulog na nagka inlaban na sila subalit sa panahong iyon ay magkaiba ang kanilang mga priorities sa buhay.


“'Yung mga panahon na iyon, ipinaliwanag ko sa kanya nasa point ako na tinatayo ko 'yung mga business na gusto ko; and I really want to focus do'n sa business and sa career ko rito sa industriya natin."

"So, naintindihan naman niya pero hindi ko naiwasan na masaktan siya. Nasaktan ko siya.”


Gayunpaman, tila naka move on naman na umano si Rita at hindi na ito galit sa kanya. Sa katunayan ay binibisita umano ngayon ni Ken Chan si Rita at ang baby nito sa non-showbiz partner.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo