Ken Chan May Inamin Tungkol Sa Kanila Ni Rita Daniela

Biyernes, Pebrero 24, 2023

/ by Jerome

Aminado ang Kapuso star na si Ken Chan na hindi niya napigilan ang kanyang damdamin tuluyan ngang nahulog ang kanyang loob at na inlove siya sa dati niyang ka love team na si Rita Daniela.


Nakapanayam si Ken sa pag guest niya sa Fast Talk with Boy Abunda, at dito nga binanggit ng host ang naging samahan nila ng Kapuso actress.


Ayon sa kanya, "Dumating kasi kami sa point ni Rita na posible ka pala talagang mahulog sa ka love team mo, akala ko kasi dati hindi totoo iyon, parang kaya mong pigilan." 


Ibinahagi pa niya na nagkaroon daw sila noon ng Kapuso actress ng isang pangako na walang maiinlove sa isa't-isa ngunit hindi nila ito natupad dahil na inlove sila sa isa't-isa.


Dagdag pa niya, "Inamin namin sa isa't-isa kung gaano namin kamahal ang isa't-isa na higit pa sa pagiging magkaibigan, more than katrabaho beyond that. Pero alam namin ang limitasyon namin."


Noon daw kasing mga panahon na yun kung saan ay hindi nila inaasahan na magkakadevelopan sila ay may roon na silang mga naka sets na goals at mga priorities kaya hindi nga sila nagkatuloyan.


Hirit pa ni Ken na may sarili na daw na priority si Rita at ganun din siya, sabi niya, "Noong mga panahon na 'yun pinaliwanag ko sa kanya na nasa point ako na tinatayo ko yung mga business na gusto ko, at gusto ko munang mag focos sa career ko sa industry natin."


Dagdag pa ni Ken, "Naintindihan naman niya pero di ko maiwasan na masaktan siya, nasaktan ko siya."


Subalit sa kabila nga ng mga nangyari sa kanila ay nanatili parin daw ang kanilang pagkakaibigan.


 



 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo