Kim Chiu, Ipinapatanggal Na sA 'It's Showtime'!

Lunes, Pebrero 6, 2023

/ by Lovely


Tila hanggang ngayon ay hindi pa rin nakaka move on ang ilang mga netizens sa pagkakahirang kay Kim Chiu bilang Best Female Host sa noontime show na It's Showtime.

Hanggang ngayon, marami pa ring mga bashers ng host ang nananawagan na tanggalin na ito sa It's Showtime dahil sa pagiging sawsawera nito at nakakainis umano ang boses.

Agad namang ipinagtanggol ng kanyang mga tagahanga ang actress host at sinabihan ang kanyang mga bashers na magmove on na dahil may basehan naman ang PMPC kung bakit si Kim ang kanilang napili para sa Star Awards.

Igiiniit pa ng mga tagahanga nito na isa si Kim Chiu sa mga dahilan kaya nagiging masaya at nakakagoodvibes ang Showtime.

Ipinunto pa ng ilang mga fans na sa panahong wala sina Anne Curtis at Vhong ay sina Kim Chiu at Ogie Alcasid ang nagpapasaya ng show.

Gayunpaman, kahit ano pa ang sasabihin ng mga bashers ay panalo na si Kim Chiu at siya na ang may hawak ng award. Kahit ano pa ang mangyari ay hindi na mababago iyon. Sa pagpapatanggal naman, hindi umano dapat pangunahan ng mga bashers ang pamunuan ng show.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo