Kinasuhan Na Si Luis Manzano Ng Large Scale Estafa Mga Investors.

Martes, Pebrero 7, 2023

/ by Jerome

Luis Manzano at kaibigan nitong si Bong Medel kinasuhan na ng Large Scale Estafa ng mga investors. 

Naghain na nga ng kaso ang halos 30 ka tao na nag-invest sa Flex Fuel, makikita nga umano na isa-isa ng nagsilabasan ang mga nabiktima ng na sabing 100 million investment scam sa Flex Fuel. 

Kung matatandaan nga ay kamakailan lamang ay nag labas ng statement si Luis Manzano, na ginigiit niyang isa daw din sa umanong biktima ng nasabing 100 million investment scam ng Flex Fuel, kaya nga wala daw siyang alam sa issue na ito. 

Subalit hindi ito pinaniwalaan ng iilan sa mga investor ng Flex Fuel, dahil nga ay nag tiwala sila kay Luis at sa Flex Fuel noon na mapapalago nila ang kanilang mga na invest sa Flex Fuel . 

"Initial complainants out of 130-plus more against Mr. Luis Philippe Manzano Chairman/Owner of Flex Fuel & Mr. Ildefonso “ Bong” Medel, as President for syndicated estafa (Large scale estafa). Kung ikaw po ang biktima Sir Luis, ano naman po ang tawag po ninyo sa aming mga nakalista at nakapag file po ng case dito sa opisina ng National Bureau of Investigation (NBI)?" pahayag ng ilang mga investors na nagreklamo sa NBI.

Samantala, nanawagan si Jinky Sta. Isabel na sana'y huwag naman silang tawaging tanga sa pag-iinvest dahil naniniwala lamang sila kay Luis Manzano na kayang palaguin nito ang kanilang pera.

Dadag pa ng mga investors, "We, invested during your term Sir Luis Manzano and Bong Medel. Hindi dahilan na nag resign ka na noong Feb 2022. At hindi din po dahilan na hindi ka nag took part ng operations ng Flex Fuel Company. Hinayaan mong gamitin ang iyong pangalan na ikaw ay maging Chairman/Owner ng Flex Fuel na alam mo pala na may mali na sa ginagawa ng bestfriend mong si Bong Medel! Kaya kami nag invest sa Flex Fuel dahil sa matatamis mong pangako, enticement, at garantisadong kita ng pera namin."


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo