Kris Aquino Bibili Pa ng Isang Beach House sa Gitna ng Gamutan!

Biyernes, Pebrero 24, 2023

/ by Lovely

Isa sa mga napag-usapan nina Manay Cristy Fermin sa isang episode ng Showbiz Now Na ang umano'y balak ni Cristy Fermin na bilhin ang tinitirhan nitong bahay na malapit sa beach sa Newport.


Sa ngayonn ay inuupahan lamang umano ni Cristy Fermin ang nasabing bahay dahil nagustuhan niya ang pwesto nito na malapit sa dagat.


Ayon pa sa source ni Cristy, hindi na basta uupa ang Queen of all media sa nasabing bahay kundi magiging kanya na rin umano ito.


"'Yun ang balita, bibilhin na niya ang Newport beach house. Bakit? Kataka-taka ba e ang yaman ni Kris Aquino," pahayag ni Cristy Fermin.


Ito ay sa gitna ng patuloy pa rin niyang pagpapagamot sa Amerika halos pitong buwan na ang nakalilipas. 


Dahil dito, hindi naiwasang masabi ni Cristy na maaring hindi lamang milyonarya si Kris na patuloy ang pagbili ng ari-arian kahit malaki na ang gastusin nito sa kanyang kalagayan.


"Baka nga mali 'yung milyonaryo lang siya. Baka bilyonarya siya e 'di ba?"




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo