Kris Aquino Nabawasan Ng Isang Nakamamatay Na Sakit!

Miyerkules, Pebrero 22, 2023

/ by Lovely


Isang masayang balita ang ibinahagi ng Queen Of All Media na si Kris Aquino sa Facebook page ni Vice Governor Mark Leviste.


Masayang ibinahagi ni Kris Aquino sa isang video ang nakakatuwang update ng kanyang kalagayan at mga sakit.


Ayon kay Kris nakausap na umano niya ang isa sa kanyang mga doktor na bagama't positibo siya sa isang sakit ay hindi naman umano ito active.


Ibig sabihin, kahit na may apat na autoimmune conditions si Kris Aquino tatlo lamang sa mga ito ang active.


Ibinunyag pa ni Kris na sa July pa sana niya makakausap ang nasabing doktor dahil sobrang busy nito. Subalit isang araw ay bigla na lamang siya kinuntak nito at sinabing available na ito.


Ang isa pang nakakatuwa ay ang nabawas na kondisyon kay Kris ay iyong life threatening. Kaya naman labis-labis ang pasasalamat nito sa Panginoon at sa mga taong walang tigil sa pagdadasal para sa kanyang paggaling.


Tuwang-tuwa naman ang mga tagahanga at mga kaibigan ni Kris Aquino na nabawasan na ang life threatening na sakit nito.


Patuloy paring hiling ng marami na sana ay tuloy-tuloy na ang pagbuti ng kalagayan nito.


"ang daming nag mamahal sayo ms. Kris ❤️❤️❤️❤️ be very well soon and come back on tv . We miss u a lot. God bless u."

"Nothing impossible to God just beleive and your faith"

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo