Kris Aquino, Naglabas ng Emosyunal na Mensahe para sa Namayapang NoyNoy Aquino!

Miyerkules, Pebrero 8, 2023

/ by Lovely


Ibinahagi ng Queen of all Media na si Kris Aquino sa kanyang Instagram feed ang isang emosyunal na mensahe para sa kanyang namayapang kapatid na si dating Presidente Noynoy Aquino.

Ikinuwento ng talk show host at aktres kung paano niya nakuha ang kanyang multiple entry visa sa U.S. sa araw ng kaarawan ng kanyang kapatid.

Nang matanggap niya ang kanyang visa, umiyak siya nang maisip niya kung paano pa rin siya inaalagaan ng kanyang kapatid kahit nasa langit na ito.

Agad din niyang ipinahayag ang kanyang apologies for "being a brat & wasting years" sa kanyang kapatid.

Sinabi pa ni Krissy na paborito ni Noynoy si Kuya Josh na patuloy pa ring pinapanood ang videos ni Noynoy sa Youtube videos. Pinasamalatan din ni Kris ang kanyang kapatid sa lahat ng hindi pa niya naipasalamat rito.

"Thank you for everything I never thanked you for. I hope you've noticed I'm more private now... I've seen the wisdom in quietly enduring my physical suffering- just like you, because that's what courage is all about. Thank you to all who continue praying for us. Happy 63rd birthday to the best Kuya any bunso could've wished for."

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo