Kris Aquino Nagmamarunong, Binitiwan Ng Mga Doktor!

Linggo, Pebrero 26, 2023

/ by Lovely


 Ibinahagi ni Manay Cristy Fermin sa latest episode ng kanyang vlog na may nakarating sa kanyang chika mula sa isang Pilipino na nagtatrabaho sa Amerika, na nagmamarunong umano si Kris Aquino.


Ito umano ang naging dahilan kaya iniiwan ang Queen Of All Media ng kanyang mga naging doktor sa Houston, Texas.


“Ito po ay kuwento ng mga Pilipino na may mga kaibigan po na doktor, nurses, mga nagtatrabaho sa ospital kung saan, o sa hotel kung saan nagpapa-check-up si Kris Aquino."


“‘Yung medical team niya sa Houston, kaya naman pala bumak-out  na at binitiwan si Kris Aquino, parang gusto niyang ma-overrule."


"Kumbaga, ikaw doktor ka, ‘O sige injectionan mo ko, teka muna don’t do that, what’s that’,” pagsisiwalat ni Cristy Fermin sa totoong ugali ni Kris Aquino.


“Ie-explain muna dapat sa kanya ng doktor kung ano ‘yung ituturok sa kanya, or ipapainom sa kanya, ganoon… at sasabihin niya, ‘According to the tsutsu… when I read about it, nung mapanood ko ganito ang magiging epekto niyan’.


 Kumbaga, marunong pa siya dun sa doktor,” dagdag pa ng veteran showbiz columnist.


Pagpupunto naman ni Romel Chika na ayos lang naman na magtanong sa doktor hinggil sa mga gamot na ituturok. Subalit ibang usapan na umano ang pakikipagtalo rito na tila ba'y mas marunong pa sa mga doktor.


Dugtong pa niya, “Eh siya, ang nangyayari pala kay Kris parang mas matalino siya kesa dun sa doktor.”




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo