Kuya Willie Revillame Galit at Sinupalpal Si Ogie Diaz!

Miyerkules, Pebrero 8, 2023

/ by Jerome

 

Pahayag ni Willie Revillame para sa mga taong naninira sa kanya at sa ALLTV. 

"Hindi na ako matatakot sa inyong lahat, laban nato kung laban masyado niyo na akong inaapi, masyado niyo na akong sinasaktan hindi ako susuko sa inyo ivlog niyo ako bukas pagtulong-tulungan niyo ako," ilan lamang yan sa mga mainit na pahayag ni Willie Revillame. 

Galit na galit at matapang na binuweltahan ni Willie Revillame ang mga taong naninira sa kanya at sa ALLTV. Nagpakawala na nga ng pasabog at mainit na rebelayon ang host na si Kuya Will, kaugnay sa mga issue na kinakaharap niya, na kung saan lumabas ang mga balitang magsasara na ang kanyang programa at ang ilan pang mga programa sa ALLTV dahil wala na daw mga nanonood at nalulugi na ang mga Villar sa kanyang pagmamay-ari na channel. 

Marami nga sa mga netizen at ibang mga personalidad ang tila natutuwa pa daw na mawawala na ang kanyang programa na Wowowin at iba pang mga programa sa ALLTV. Kaugnay naman nito ay matapang na binuweltahan ni Willie Revillame ang ilang showbiz personality na di umano'y naninira daw ngayon sa kanya. 

Sa live nga ni Willie ay may naging rebelasyon siya tungol sa mga naninira at tumitira sa kanya patalikod. Ang tinutukoy daw ni Willie ay si Ogie Diaz na kung saan ay sinupalpal niya sa kanyang live. 

Matatandaan kasi na may ipinost si Ogie Diaz tungkol sa nasabing issue, "Wag umiyak. Kung nung araw na kailangan ang luha ng pagdamay mo ay hindi rin naman naramdaman. Bagkus nakitawa ka pa. Kaya wag mamalimos ng simpatya. Kaya mo yan. Wala kang di kinaya."




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo