Inanunsyo na ng Metro Manila Film Festival (MMFF) ang walong pelikula na kalahok at magtatapat sa kanilang kauna-unahang summer edition.
Narito naman ang ilan sa mga bigating artista na kasali sa Metro Manila Summer Film Festival, kabilang sina Coco Martin, Gerald Anderson, Kylie Padilla, Aljur Abrenica, Alex Gonzaga, Carlo Aquino, Bela Padilla, Enchong Dee, Awra Briguela at marami pang iba.
Gaganapin naman ang 'Parade of Stars' para sa walong kalahok na pelikula sa darating na Abril 2 sa Quezon City.
Narito ang walong pelikula na kalahok sa Summer Edition ng Metro Manila Film Festival na tiyak magpapasiklab sa summer ng buong bansa.
1. APAG nina Coco Martin, Lito Lapid, Jaclyn Jose, Gladys Reyes
Genre: Crime Drama
2. SINGLEBELLS nina Aljur Abrenica, Alex Gonzaga, Angeline Quinto
Genre: Romantic Comedy
3. ABOUT US BUT NOT ABOUT US nina Romnick Sarmenta, Elijah Canlas
Genre: Drama Thriller
4. KAHIT MAPUTI NA ANG BUHOK KO nina RK Bagatsing, Meg Imperial
Genre: Musical
5. UNRAVEL: A SWISS SIDE LOVE STORY nina Gerald Anderson, Kylie Padilla
Genre: Drama
6. HERE COMES THE GROOM nina Enchong Dee, Keempee de Leon, Awra Briguela, Xilohuette, Maris Racal, KaladKaren
Genre: Comedy
7. YUNG LIBRO SA NAPANUOD KO nina Yoo Min-Gon, Bela Padilla
Genre: Romance Drama
8. LOVE YOU LONG TIME nina Carlo Aquino, Eisel Serrano
Genre: Romance
Sa listahan ng mga lead actors at lead actress kaabang-abang na kung sino ang tatanghalin bilang best actress at actor sa gaganaping Awards Night sa darating na April 11, 2023.
Mapapanood naman ang mga nasabing pelikula mula April 8 hanggang April 18, 2023.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!