Kylie Padilla Naiyak sa Natanggap nitong Valentine's Day!

Miyerkules, Pebrero 15, 2023

/ by Lovely


 Ibinahagi ng aktres na si Kylie Padilla ang pagiging emosyunal ngayong  Valentine's Day.

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Kylie ang kanyang natanggap na card mula sa kanyang anak na si Alas Joaquin ang panganay nila ni Aljur Abrenica.

“I’m not crying you’re crying,” caption ni Kylie sa kanyang Instagram post kung saan makikita ang larawan ng ginawang card ng anak.

Makikitang dinisenyo ng bata ang card ng finger painting at cut out na hearts. Mababasa bilang mensahe ni Alas ang, “Dear mom and dad. I love you. Valentines.”

Samantala, tila masaya naman ang pagdiriwang ni Aljur Abrenica ng Valentine's matapos isiniwalat sa buong mundo ang relasyon nila ng aktres na si AJ Raval na una nang nali-link sa kanyang pangalan.

Tila wala namang pakialam si Kylie sa pag-amin na ito ni Aljur at tila nakapukos na lamang ang kanyang attensyon sa kanyang career at mga anak.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo