Kylie Padilla , Sumagot Na Sa Mga Tanong Patungkol Sa Pag Amin Nina Aj Raval at Aljur Abrenica

Biyernes, Pebrero 17, 2023

/ by Jerome

Ayon sa actress na si Kylie Padilla ay ang anak daw niya ang nagpakilig sa kanya noong araw ng mga puso dahil ginawan daw siya nito ng valentines card. Ito ang kanyang naging pahayag sa ginanap na media conference ng bagong primetime series ng Kapuso network. 

Ito ay Ang mga Lihim ni Orduja na siyang papalit sa serye na Maria Clara at Ibarra, ang character niya sa serye ay isang pulis kaya naman ay pweding sabihin nakahugot siya dito ng lakas ng loob sa totoong buhay. Saad naman niya na Reyna daw kasi si Orduja kaya trabaho niya na protektahan ang kanyang nasasakupan. 

Samantala natawa naman ang actress ng i-connect na sa Lihim ni Orduja ang lihim naman na nabunyag nang umamin sina AJ Raval at Aljur Abrenica sa kanilang relasyon noong araw ng mga puso. 

Sabi ni Kylie ukol dito ay, "'I'm happy for everybody, everybodies happy and thats important." Dinaan nalang sa tawa ng actress ng pahabolan pa siya ng tanong tungkol sa kung anong masasabi niya sa mga pagbabash ngayon ng mga netizens kay Aj Raval at Aljur, at ang tawag na kabit ng mga netizen kay Aj Raval. Sagot naman ni Kylie ay masaya na nga daw siya para sakanilang lahat na nakatagpo na sila ng kani-kanilang tunay na kaligayahan. 



 

 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo