Lai Austria, Di Daw Takot Makulong sa Banyo?

Miyerkules, Pebrero 8, 2023

/ by Lovely


Inalmahan ng  maraming netizens ang caption ng isang contestant sa Family Feud Philippines sa kanyang photo kasama ang host nito na si Dingdong Dantes.

May pabiro ngunit nakakaintrigang caption kasi itong “Wait n’yo scandal namin” bagay na hindi nagustuhan ng mga netizen, lalo na ang mga tagahanga ng “DongYan”. Alam naman ng lahat na isang pamilyadong tao na sa Dingdong at hindi na umano nararapat na biruin o landiin ng harap-harapan.

Samantala, agad namang binago ni Lai Austria ang caption ng kanyang post at pabiro pang ipinahayag na hindi lang naman iisa ang ibig sabihin ng scandal.

Bagama't binago naman ni Lai ang caption ng kanyang post, may ibinahagi naman siya sexy photo habang kumakain ng Ding Dong na junk food. 

“Ang sarap mo,” saad pa nito sa caption.

Samantala, may mga nagsasabi namang nagpapakawitty lamang si Lai at goodvibes lamang ang nais. Subalit, hindi naman umano ito appropriate dahil pamilyadong tao si Dingdong at may mga anak na maaring makakita ng post nito.

Hirit naman ng ilang mga netizens na tila hindi natatakot si Lai na makulong sa CR.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo