Lee O'Brian, Nagparamdam Sa Anak Na Si Malia Sa Valentine'S Day, Tinawag Pang "Daddy'S Girl"

Miyerkules, Pebrero 15, 2023

/ by Lovely


Muli na namang naging usap-usapan ang dating kinakasama ni Pokwang na si Lee O'Brian matapos ang kanyang pagbati sa kanyang anak na si Malia sa mismong araw ng mga puso, kahapon February 14, 2023.

Ibinahagi ni Lee sa kanyang Instagram feed ang wacky snap nila ni Malia kalakip ang kanyang mensahae para sa anak.

"Happy Valentine’s Day to my sweetheart @malia_obrian! Love you so much, my dear! You make me so proud and you make me laugh always! #I❤️U #HappyValentinesDay #MissMalia #DaddysGirl," caption ni Lee sa kanilang larawan ng anak.

Si Malia ang unica hija ni Lee O'Brian sa dating kinakasamang aktres at komedyante na si Pokwang. Mula nang maghiwalay sila, naging headline na si Pokwang sa mga rebelasyon niya tungkol sa relasyon nila ni Lee. Gayunpaman, sa gitna ng kontrobersyal na panayam at mga pahayag sa social media ni Pokwang nananatili pa ring tahimik si Lee at hindi pa nagbibigay komento hinggii tungkol sa sitwasyon.

Samantala, kaagad namang umani ng samu't-saring komento mula sa mga netizens ang nasabing post. May pinapayuhan si Lee na makipag-ayos na kay Pokwang. Ang ilan naman ay hindi makapaniwalang hindi man lang nagbibigay si Lee sa anak.

"Wag puro post sa social media, magsustento ka sa anak mo."

"like her mother comedian actress....although she's ur carbon copy"

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo