Liza Soberano Nabawi Na Ang Nahack Na Mga Social Media Accounts!

Miyerkules, Pebrero 22, 2023

/ by Lovely


 Tila na recover na ng aktres na si Liza Soberano ang kanyang nahack na social media accounts kung saan pinagbubura ng hacker ang lahat ng kanyang mga posts.


Nito lamang myerkules, nagbahagi ng ilang mga larawan ang aktres na tila kuha mula sa isang music video.


Makikita rin sa  kanyang IG Story ang tungkol sa "life updates" na ipapalabas niya sa kanyang YouTube channel.


Ikinagulat ng mga tagahanga ni Liza Soberano nang mapansin nilang tuluyan nang nabura ang ilang social media posts ng aktres sa kanyang Instagram at Youtube channel.


Subalit, tila agad namang na recover ng aktres ang kanyang account dahil nagbahagi na ito ng updates ngayong araw.


Kasalukuyang nasa ibang bansa si Liza Soberano upang ipursue ang kanyang pangarap na maging isang Hollywood star.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo