Liza Soberano Pictures Sa Social Media Burado Na! Enrique Gil Nadamay!

Martes, Pebrero 21, 2023

/ by Lovely


 Nagulat ang maraming fans ng aktres na si Liza Soberano nang makitang burado na lahat ng mga post at mga larawan sa Instagram account ng aktres na si Liza Soberano.


Nawala rin maging ang profile picture ni Liza. Maging ang mga larawan at videos nila ng kanyang boyfriend na si Enrique Gil ay binura na ring lahat.


Maging sa Youtube Channel ng aktres ay binura na rin ang lahat ng kanyang mga vlogs.


Gulat na gulat ang kanyang mga fans sa kung ano ang dahilan kung bakit nilinis ng aktres ang kanyang social media accounts.


Samantala, sa isang deleted post na ngayon ng ama ni Liza na si John Soberano, tila ipinahiwatig niyang may nanghack sa account ng kanyang anak.


"Who ever did that shit.. congrats.. make sure you don't get caught," post ng ama ni Liza.





Kaya naman tila malinaw na na hindi si Liza ang nagbura ng mga larawan at videos kundi ang hacker na naghack sa lahat ng kanyang social media accounts.


Tanong ngayon nang mga fans, maibabalik pa kaya ang mga naburang larawan at videos ni Liza?


May mga nagsasabing permaneteng deleted na ang mga ito dahil sa mismong account ito idinilete.


Subalit, naniniwala ang ilang mga followers na maaring matulungan si Liza sa nagmamay-ari ng social media platforms dahil napakarami ng kanyang mga followers.


Hanggang ngayon ay wala pa rin laman ang lahat ng mga social media accounts ng aktres.







Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo