LJ Satterfield Nawalan 6K Subscribers in Just 1 Day!

Miyerkules, Pebrero 22, 2023

/ by Lovely


Isang mainit na rebelasyon ang pag-amin ng vlogger couple na sina Boy Tapang at LJ Satterfield na ang kanilang relasyon na kinakiligan ng marami ay peke lamang pala.


Inamin mismo nang dalawa na hindi totoo ang kanilang relasyon at scripted lamang ang lahat ng kanilang mga pinagsasabi tungkol sa kanilang 'relasyon'.


Marami pa namang mga netizens ang tila na inspire sa kanilang lovestory, kaya naitampok ito sa programang KMJS ni Jessica Soho.


Subalit, maging si Jessica ay naloko din ng dalawa dahil isang malaking kasinungalingan lamang pala ang kanilang mga relaasyon.


Inamin pa mismo ni LJ Satterfield na ginawa lamang niya ito upang dumami ang kanyang mga subscribers. 


Nagtagumpay naman siya dahil sa loob ng ilang buwang relasyon nila ni Boy Tapang ay nabigyan kaagad siya ng silver play button ng Youtube.


Subalit, ilang araw lamang matapos ang pag-amin nila nabawasan na ng 6 thousand ang mga subscribers nito sa kanyang Youtube Channel.


Tila marami talaga ang nainis sa panloloko nila sa mga tao para lamang sa pansarili nilang intensyon at para magkapera lang.





Kaya naman, ang ipinagmamalaking silver button ni LJ Satterfield ay hanggang alaala na lamang?

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo