LJ Satterfield Sinabing Naggamitan Sila ni Boy Tapang! Parehong Naabot Ang Goals!

Linggo, Pebrero 19, 2023

/ by Lovely


Nagbigay na ng kanyang saloobin si LJ Satterfield ang ipinakilalang nobya ni Boy Tapang na totoong for the views at scripted lamang ang relasyon nilang dalawa.

Sinagot din ni LJ Satterfield ang mga paratang sa kanya na ginamit lamang niya si Boy Tapang upang dumami ang kanyang mga followers sa kanyang channels. Ayon pa kay LJ, walang mali sa kanyang ginawa dahil isa siyang content creator.

"YES ITS ONLY FOR TANDEM!!!

And all I did is do my part. And make it work. As content creators, this is a normal thing.. At alam ng mga creators yan."

Nilinaw pa ni LJ Satterfield na hindi lamang siya ang may nakuhang benipisyo sa tandem nila ni Boy Tapang dahil mas dumami rin umano ang mga subscribers at views nito. Dumami rin ang mga promotions nito. Kaya naman iginiit ni LJ na hindi siya manggagamit dahil ang totoo ay pareho nilang ginamit ang isa't-isa.

"Bumalik mga promotions mo, dumami uli views mo. Wag mong sabihin na ginamit kita. Dahil ginamit mo din ako. Sa lahat ng vlogs natin nisingkong duling wla kang nagastos at alam mo yan i never took advantage of you. . imbis iappreciate mo ang efforts ko, hindi eh."

Samantala, hati ngayon ang opinyon ng mga netizens sa rebelasyon for the tandem lang pala ang relasyon ng dalawa. May mga fans na dismayado dahil buong akala nila ay totoong nag-iibigan ang dalawa.

Gayunpaman may ilang natatawa na lamang dahil talagang umabot pa sa KMJS ang kanilang tandem na isa lang palang kalokohan.

"For content lang pala 'yun, ba't pina-KMJS pa? Mahiya naman kayo kay Jessica Soho. Summary ko na lang 'to ah."

"Paano po yung sinabi niyo sa KMJS na "sinasagot na kita" kung 'di pala naging kayo? I deserve an acceptable reason."

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo