LJ Satterfield Sinagot Ang Tanong Na Ayaw Raw Itong Magpakasal Kay Boy Tapang

Lunes, Pebrero 6, 2023

/ by Jerome

 

LJ Satterfield sinagot ang isang comment na ayaw daw niyang magpakasal kay Boy Tapang.

Nitong kamakailan lamang sa live ni China Roces sa kanyang facebook page ay sinagot ni LJ Satterfield ang ilang mga katanungan ni China Roces at ng mga viewers nito. Comment kasi ng isang viewer ay kapag daw iwanan ni LJ si Boy Tapang ay magbibigti daw ito, sagot naman ni LJ ay hindi daw. 

Dinipensahan naman ni China ang kaibigan niyang si LJ sabi niya ay loyal nman daw ito at mapagmahal din. Alam daw kasi ni China ang pinagdaanan ni LJ pagdating sa lovelife, kasi nag-uusap daw sila about sa mga ex-ex kahit magkalayo sila.

Tinanong naman ni China si LJ kung nagsasama ba sila ni Boy Tapang sa iisang bahay, at sinagot naman ito ni LJ na hindi raw binibisita lang daw nila ang isat-isa minsan ay si Boy Tapang ang pumupunta kaila LJ minsan naman ay si LJ ang pumupunta sa kanila. Kung baga ay LDR lang daw silang dalawa, pero nag vi-video call naman daw sila paghindi sila magkasama. 

Dagdag pa ni LJ ay mayroon din daw chismis na naghiwalay na daw sila dahil hindi sila magkasama, ngunit ang totoo ay LDR lang daw sila at sobrang busy din daw ni Boy Tapang ngayon sa kanyang trabaho at mayroon pa itong battle of the Youtuber. 

Sinagot naman ni LJ ang tanong ng isang viewer na ayaw daw itong magpakasal kay Boy Tapang, saad niya ay too early to tell pa daw, at 4 months palang daw sila, sino daw ang magpapakasal ng 4 months palang ang relasyon. Dagdag pa ni LJ na wag daw maggawa-gawa ng issue at magdedesisyon sa buhay ng tao. Pinagtanggol naman ni China ang kaibigan niyang si LJ sabi nya wag daw maging judgemental dahil minsan daw ay naranasan ni China at ng kanyang asawa ang i judge silang dalawa. 



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo