Loisa Andalio Ilang Beses Nang Nahuling Nagcheat si Ronnie Alonte!

Miyerkules, Pebrero 8, 2023

/ by Lovely


Nakapanayam sina Loisa Andalio at Ronnie Alonte sa show ng ABS-CBN na Magandang Buhay.

Inamin nila sa nasabing interview na ilang beses ding nagcheat si Ronnie sa kanilang relasyon at ilang beses din umano itong nahuli ni Loisa.

Inamin ito mismo ng aktor sa kanilang panayam, subalit napagtanto umano niya ang kanyang pagkakamali at piniling baguhin ang kanyang sarili.

Dagdag pa niya, naiintindihan niya ang sakit na nararamdaman ni Loisa sa kanilang pansamantalang breakup noon. Matapos magkabalikan sina Loisa at Ronnie, mas naging matatag ang kanilang relasyon kaysa dati.

“Nung nangyari 'yun, sobrang sakit pala nung feeling na ganun. Parang mga halos isang linggo, dalawang linggo, nawala ako talaga. Narealize ko din sa dulo na baka karma lang din. Tinake ko ‘yun as karma kasi parang ang dami kong kasalanan sa kanya before pa mangyari ‘yun. Ang dami niyang nahuli sa akin. Ilang babae nga ba nahuli mo? Alam niya, nahuli niya 'ko, so naramdaman ko ‘yung feeling kung gaano kasakit yung ganung pakiramdam,” pahayag ni Ronnie.

“Sa totoo lang, aaminin ko, mali ako. Kasi ‘yung mga nakatrabaho ko dati at ‘yung mga nakasama ko dati, hindi ko nilinaw sa kanila at hindi ko sinabi sa kanila na kami ni Loisa. Tinago ko rin 'yun sa mga naging ka-partner ko. Kasalanan ko yun,” dagdag pang pag-amin ni Ronnie.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo