Lolit Solis, Pinagtawanan Ang Samu'T-Saring Komento Hinggil Sa Re-Assessment Period Ng ALLTV!

Lunes, Pebrero 13, 2023

/ by Lovely


Nagpost si Lolit Solis sa kanyang Instagram account upang ibahagi ang kanyang mga saloobin sa mga reaksyon ng publiko sa diumano'y re-assessment period ng ALLTV.

Sa isang mahabang post, ipinahayag ni Manay Lolit na natatawa na lamang siya sa mga ganoong reaksyon mula sa ilang netizens at influencers.

“Nakakatawa naman ang naging reaction sa reassessment period ng All TV Salve. Para bang magsasara na dahil lang sa magkakaruon ng period kung saan titignan nila kung paano palalakasin ang signal, kung ano pa puwede idagdag na programa, kung ano pa puwede maayos para mas maganda at stronger pa ang network.” 

Nagbigay din siya ng mensahe sa mga taong pinapalaki masyado ang isyu na para bang hindi na babalik ang programa ng ALLTV at tuluyan nang magsasara.

“Ang dali naman intindihin pero ginawang big deal ng mga taong mahina talaga ang comprehension at utak. Katawa dahil panay ang bigay ng kung anuanong alibis samantalang mas maganda na tumahimik na lang.” 

Dagdag ni Manay Lolit, "Talagang wala kang magagawa pag mahina ang utak ng isang tao, kaya naman sa halip hintayin lang ang resulta ng reassessment, hayan putak ng putak kaya kung saan saan napupunta ang issue.”

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo