Lolit Solis, Umalma sa Pagpi-pressure Kay Heart Evangelista na Magbuntis Na!

Biyernes, Pebrero 3, 2023

/ by Lovely


Tila hindi na nakapagpigil ang kolumnista at talent manager na si Manay Lolit Solis at nakapagbigay na ng saloobin hinggil sa ilang mga netizens na pinipressure umano ang actress na si Heart Evangelista na magkaroon na ng sariling anak sa asawang si Senator Chiz Escudero.

Ayon kay Lolit, hindi dapat pansinin ni Heart ang pressure ng netizens na magbuntis na.  Naniniwala si Manay Lolit Solis na dapat tutukan ni Heart ang pag-aalaga sa kasal nila ni Chiz dahil maaaring maging masaya ang mag-asawang walang anak. 

“Iyon pressure kay Heart Evangelista para magkaroon ng anak dapat hindi niya pinapansin, Salve. Lahat ng bagay dumarating sa buhay mo sa tamang panahon. Kung ibibigay ng langit, darating iyan at matatanggap mo ng buong pagmamahal. Huwag padala sa pressure ng mga tao na hindi naman kasali sa buhay niyo. 

Basta nagmamahalan sila ni Chiz Escudero iyon ang mahalaga. Kung talagang darating, darating iyan. Ang ganda ngayon ni Heart, huwag siyang padala sa pressure baka magkaroon pa siya ng wrinkles sa mukha. Mas kailangan iyon happy sila ni Chiz, at mas mahalaga iyon dahil ito ang magbubuo sa kanila kahit wala silang anak. Basta Heart stay happy and beautiful, at darating din ang blessing na hinihintay mo. Bongga ka Heart Evangelista,” pagpapayo ni Lolit Solis.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo