Lovi Poe, Kaya Pala Nasabihan Ng "Oa"

Huwebes, Pebrero 9, 2023

/ by Jerome

 

Tinawag na OA ng mga netizen ang actress na si Lovi Poe matapos ang mga naging pahayag niya sa tungkol sa mga komento ng singer na si Regine Velasquez. 

Sinabi kasi ni Lovi Poe na handang-handa na daw siya mamatay dahil sa mga papuri sa kanya ni Regine. Ito ay matapos na mag comment si Regine sa video clip ng song number nito sa natural woman. 

Pinagmalaki ni Lovi Poe ang achievement niyang ito sa stage na first time daw niyang ginawa sa matagal na panahon, at ninanais din daw niya na magkaroon ng mga ganitong project sa mga susunod pang buwan.

Doon nga ay napanood ng Song bird na si Regine ang post at napa-comment nga si Regine ng. "Oh wow, galing." 

Idinaan naman sa Twitter ni Lovi ang mga naging reaction niya sa naging comment ni Regine at saad nga niya na, "pwede na akong mamatay I achieved my life purpose" 

Subalit ay pag-awat naman ang mga naging komento ng ibang netizen na wag daw muna siyang mamatay, dahil hindi panga naipapalabas ang international movie na ginawa niya. 

Sabi naman ng ibang mga netizen na nag comment ay ang OA naman daw ng naging naramdaman niya dahil lang daw sa ganoong papuri ay gusto na niyang mamatay.  


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo