Humingi ng dalawang araw na palugit sa NBI ang kampo ni Luis Manzano kaugnay sa subpoena na ipinadala sa bahay ng TV host-actor sa Taguig City noong February 7, 2023. Ang ipinadalang subpoena ay may kaugnayan sa kasong estafa na inihain ng mga investors ng Flex Fuel laban sa kanya.
Samantala, kaagad namang nagpadala ng sulat ang kampo ni Luis Manzano na pirmado pa ni Atty. Augusto Fermo, humiling sila ng dalawang araw na palugit para makapangalap pa sila ng karagdagang impormasyon hinggil sa nasabing kaso.
Matatandaan na lumabas na ang subpoena kung saan hinihiling ng NBI ang personal na pagpunta ni Luis Manzano sa kanilang tanggapan kaninang alas 10 ng umaga.
Matatandaan na una nang inalmahan ni Luis Manzano ang nasabing reklamo at pinagdidiinan na wala siyang kinalaman sa Flex Fuel. Subalit, hindi naman naniniwala ang mga investors dahil pangalan ni Luis ang nag-appear sa ilang dokumento at ito rin ang naging dahilan kaya nag-invest sila sa nasabing kompanya.
Kampo ng aktor at TV host na si Luis Manzano, humingi ng dalawang araw na palugit kaugnay sa subpoena na inilabas ng National Bureau of Investigation dahil sa reklamong estafa na inihain ng mga investor ng Flex Fuel Petroleum Corporation. | via @jhomer_apresto pic.twitter.com/3tI5ibU0Kq
— DZBB Super Radyo (@dzbb) February 13, 2023
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!