Luis Manzano Inireklamo at Nadawit Sa Panloloko, Humingi Ng Tulong Sa NBI!

Miyerkules, Pebrero 1, 2023

/ by Lovely


Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang pagkakadawit ng actor-host na si Luis Manzano sa isang investment scam.

Isiniwalat ng social media influencer na si Xian Gaza na may mga nagrereklamo umano kay Luis Manzano dahil sangkot umano ito sa isang investment scam ng Flex Fuel.

Ginamit umano ang pangalan ni Luis Manzano ng best man niya sa kasal upang makapanloko. Nagreklamo umanoa ang mga ito sa NBI kaya nadamay ang pangalan ni Luis.

"BREAKING NEWS: LUIS MANZANO O MAS KILALA SA PALAYAW NA "LUCKY" AY MINALAS AT NATAGPUANG LUHAAN MATAPOS IREKLAMO SA NBI NG LIMANG PEOPLE OF THE PHILIPPINES! DI UMANO AY GINAMIT SI MANZANO NG SARILI NIYANG BEST MAN SA KASAL UPANG MAKAPANGENGGANYO NG ISANG DAANG INVESTORS FROM 2020-2021. ANG NOT SO LUCKY MANZANO AY NAG-RESIGN SA KUMPANYA NOONG FEBRUARY 2022 MATAPOS SIYANG HINDI BAYARAN NG SARILI NIYANG BEST MAN NA KANYANG PINAGKATIWALAAN NG HUSTO. ANG UTANG NI BEST MAN SA ANAK NI TITA MO VILMA AY 66 MILLION PESOS. SI TITO MO EDU AY WALA PANG KOMENTO SA NGAYON DAHIL WALA RIN NAMAN TAYONG PAKE SA SASABIHIN NIYA. STAY TUNED MGA MOSANG! DEVELOPING TSISMIS!" chika ng Pambansang Marites Xian Gaza.

Samantala sa isang inilabas na affidavit, pinabulaanan ni Luis Manzano ang isyu na dawit siya sa investment scam. Sa katunayan ay may utang pa umano itong best man niya na si Bong Medel sa kanya ng mahigit 66 million.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo