Luis Manzano Masayang Ipinagdiriwang ang 2nd Year Anniversary Nila ni Jessy Mendiola!

Martes, Pebrero 21, 2023

/ by Lovely


Kasalukuyang ipinagdiriwang nina Luis Manzano at Jessy Mendiola ang kanilang ikalawang taon bilang mag-asawa.


Sa kanilang wedding anniversary, nag-post si Luis sa social media ng isang taos-pusong mensahe para sa kanyang asawa. 


Sa kanyang post, unang inalala ni Luis Manzano ang unang pagkakataong inimbitahan niya si Jessy sa kanyang birthday celebration noong 2016.


“One of the best decisions in my life was inviting you to my 2016 birthday (halatang napilitan ka lang at uwing uwi na)."


"Little did I know it was the start of a beautiful journey getting to know a friend, bestfriend, girlfriend, fiancee, wife and hot momma.”


“Happy 2nd wedding anniversary and thank you for being the strength of this family. Peanut and i love you Mama!” caption ni Luis sa kanyang post.


Kalakip ng kanyang mensahe, ibinahagi rin ni Luis ang ilang nakakaantig na mga larawan nila ni Jessy, kung saan ang isa ay nagpakita sa kanyang pagkandong sa kanilang anak na si Isabella Rose o baby Peanut. 


Samantala, patuloy pa rin ang reklamong kinakaharap ngayon ni Luis Manzano mula sa mga na-scam na investors ng Flex Fuel sa NBI.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo