Luis Manzano May Inamin Kay Tito Boy Abunda Sa Scam Issue

Lunes, Pebrero 13, 2023

/ by Jerome

Nagpaunlak na ng panayam ang host na si Luis Manzano kay Boy Abunda na ngayon ay nadadawit sa kinasasangkutan nitong issue sa Flex Fuel investment scam. 

Taong 2020 daw ng umupo bilang chairman of the board itong si Luis Manzano habang ang business partner niyang si Bong Medel ang chief executive officer. Si Bong Medel ay childhood friend ni Luis at siya din ang best man sa kasal nina Luis at kanyang asawa na si Jessy Mendiola noong February 21, 2021 at siya din daw ay kasosyo ni Luis sa isang Taxi lines and convenient stores. 

Samantala ay sa kaso daw ng Flex Fuel ay sa umpisa palang daw ay na pansin na niya ang mga problema sa kompanya at lage din daw ipinapaalala ni Luis ang necessary legal documents para sa pagpapatakbo ng negosyo sinabi daw ito ni Luis sa mga ehikutibo ng kompanya partikular na sa kaibigan niyang si Bong Medel. Subalit ang sagot lang daw umano ni Medel ay aayusin daw niya ang mga papelis sa negosyo. 

Hanggang sa noong February 2022 ay nagbitiw ang actor bilang chairman ng Flex Fuel. Dumating naman sa puntong may mga lumalapit kay Luis na mga investors at humihingi ng tulong para mabawi ang na invest nilang pera sa Flex Fuel doon lang daw umano na laman ng actor ang mga hinaing ng mga investors, pero wala man lang daw ginagawang action ang kompanya. 

Bagamat nagbitiw na sa kumpanya si Luis ay nadawit parin ito sa issue at inireklamo din ng mga investor na nagsasabing na scam daw umano sila ng kompanya, ng makarating naman ito sa pamilya at mga kaibigan ng actor ay hinikayat nila ang TV host na magsalita para ipagtanggol ang sarili pero hindi daw pumayag si Luis noon. Ayon daw kasi kay Luis ay pinilit daw niyang manahimik noong para protektahan ang mga investors naisip daw kasi ni Luis baka ma apektuhan daw ang kompanya at baka lalong walang makuha ang mga investors pag isinipubliko niya ang na sabing issue. 


 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo