Luis Manzano Nonbailabble Ang Kaso Large Scale Stafa

Miyerkules, Pebrero 22, 2023

/ by Jerome

 

Luis Manzano nanganganib na makulong dahil sa kinahaharap ngayong kaso na isinampa laban sa kanya. 


Ang kinahaharap ngayon ni Luis na kasong Large Scale Estafa ay hindi daw maaring maka pyansa, kung mapapatunayan man daw na siya ay totoong may sala ay maaring daw siyang makulong ng matagal. 


Samantala nagbigay naman ng paliwanag ang biteranong broadcaster na si Mike Abe hinggil sa kasong kinasasangkutan ngayon ng TV host na si Luis Manzano. 


Ayon nga kay Mike ay masuwerte pa daw si Luis Manzano dahil hindi siya pinupuntahan ng NBI sa kanilang tahanan, kung iba daw at simpleng tao lamang ang sangkot ay baka iba daw ang naging pagtrato ng kinauukulan sa kanya. 


Nito lamang lunes ay hindi na naman sumipot sa ikalawang pagkakataon si Luis sa imbitasyon ng NBI upang harapin ang kaso sa halip ay nagpadala lamang siya ng abogado upang humingi ng kopya ng case document. 


Subalit hindi na ito pinagbigyan ng kinauukolan, dagdag pa ni Mike Abi baka daw ang dahilan ni Luis na hindi pagsipot sa kaso ay marahil iniiwasan niya na ma detain sa NBI. 




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo