Maggie Wilson, Pinagdidiinang Wala Silang Pre-Nup Ni Victor Consunji!

Linggo, Pebrero 12, 2023

/ by Lovely


Taliwas sa naging pahayag ni Victor Consunji sa kanyang inilabas na official statement hinggil sa umano'y pre-nup nila ng asawang si Maggie Wilson, naglabas ang huli ng ebedensyang wala silang pinirmahang prenuptial agreement bago ikinasal.

Sa kanyang Instagram stories, ipinahayag ni Maggie ang kanyang sagot sa mga paratang ni Victor Consunji na isa siya fugitive. Ipinakita pa ni Maggie na wala silang pinirmahang pre-nuptial agreement mula sa Office of the Local Civil Registrar sa Bacacay, Province of Albay.

“Is this why you want me to send me to prison?” saad pa ni Maggie.

Kung wala naman pala silang pre-nuptial agreement ay nangangahulugan lamang ito na conjugal pa rin ang lahat ng mga ari-arian nila dahil hindi pa rin annulled ang kanilang kasal.

Samantala, nagbahagi naman si Maggie ng isang cryptic post sa kanyang Instagram account.

"Someone once told me that if you didn’t like something, erase it.

Well, I’m permanent and you can’t erase me."

Matatandaan na kinasal sina Maggie Wilson at Victor Consunji sa Albay noong December 2010, subalit matapos ang 11 years ng pagsasama pumutok ang balitang naghiwalay na sila. Kasunod ang pagsasampa ni Victor ng kasong adultery laman kay Maggie at sa business partner nito na si Tim Conner.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo