Male Contestant Sa Isang Pageant Viral Matapos Ang Nakakabiglang Sagot Sa Q&a Portion Panoorin

Miyerkules, Pebrero 22, 2023

/ by Jerome


Kinaaliwan ng mga netizen ang sagot ng isang contestant sa isang pageant.


Ang contestant na ito ay isang lalaki at ayon sa kanya ay first time daw niya na makapasok sa top 5, kaya naman daw ang mga netizen ay sobrang sumang-ayon at napa sana all sa kanyang naging sagot. 


Sabi pa nga daw ng ibang mga netizen ay mas panalo daw ang sagot niya, nakakaaliw daw at walang kaabo-abog ang naging sagot nito sa final round ng question and answer portion ng nasabing pageant. 


Ang nasabing video na inapload ng isang manonood sa pageant nitong Lunes ay umani ng napakaraming reactions at umabot na nga sa mahigit 5 million views ang videong ito.



"Kailan nagiging tama ang mali at kailan nagiging mali ang tama?" 
tanong ng host para sa question and answer ng nasabing pageant. 


Nabanggit din ng contestant unang beses daw niyang mapasama sa final round bagama't pangalawang beses na daw niyang sumali sa pageant. 


Samantala narito naman ang naging sagot ng contestant sa tanong sa kanya ng host,  "Para sa akin po ang tama at mali ay magkasalungat, yung tama po ay palaging mga babae tapos ang mali po ay palaging mga lalaki yun lamang po."


Sabay natulala saglit ang nasabing host pati na ang mga netizens pero maya-maya lang ay nag hiyawan na ang mga ito dahil sa naging sagot ng contestant, na  narelate ng karamihan. 

 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo