Marjorie Barretto, Ayaw Na Pumasok si Leon Sa Pag-aartista!

Miyerkules, Pebrero 8, 2023

/ by Lovely


Ayaw ni Marjorie Barretto na pasukin ng kanyang anak na si Leon Barretto ang showbiz.

Nakapanayam ni Leon ang inang si Marjorie sa kanyang pinakabagong YouTube vlog kung saan binigyang-diin ng dating aktres na hindi siya sang-ayon na mapabilang si Leon sa entertainment industry.

"Oh, my God, please. I don’t like," mariing pahayag ni Marjorie.

Ibinunyag pa ni Marjorie kay Leon na maging ang kanyang mga kapatid ay ayaw ring pumasok siya sa pag-aartista.

"Hindi ko talaga gusto. 'Pag naiisip ko si Leon mag-aartista, talaga 'yung katawan ko nire-reject niya. Hindi ko alam. Hindi talaga, Leon. Alam mo, honestly, kami lahat ng kapatid mo pag sinasabi mo mag-artista ka, we're one. No way!"

Agad namang nilinaw ni Marjorie ang dahilan kung bakit ayaw niyang sumabak si Leon sa pag-arte.

"I would like to see the second batch of my children outside the industry. I want to see you into business. I want to see you in a different path. Ang galing-galing mo sa school, natatakot ako na baka 'pag pumasok ka (sa showbiz) bigla kang mag-stop sa school. 'Wag na," paglilinaw ni Marjorie.

Nais umano ni Marjorie na maging doktor balang araw si Leon.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo