Markus Paterson, Nagbigay Ng Pahayag Tungkol Sa Pakikipagrelasyon Muli Ni Janella Salvador!

Biyernes, Pebrero 17, 2023

/ by Lovely


Nagbigay ng pahayag si Markus Paterson hinggi sa dating partner at co-parent ni Janella Salvador sa isang panayam.

Naitanong kay Markus kung kumusta na nga ba ang pagiging co-parent nila ni Janella sa kanilang anak na si Baby Jude.

Ayon kay Markus, in good terms naman ang pagiging co parent nila kay Jude. Bukas din umano ang kanilang komunikasyon at mabilis nilang nakukuntak ang bawat isa.

Pinuri din ng aktor ang kanyang co-parent na si Janella dahil hindi umano siya nito pinapahirapan sa kanilang co-parent set-up.

"It's a lot of easier than I thought, madali eh. Sobrang madaling kausap si Janella," pahayag ni Markus.

Naitanong din kay Markus kung okey lamang ba sa kanyang kung sakaling magkaroon ng bagong lovelife ang dating partner na si Janella.

Agad naman itong sinagot ni Markus na nais niyang maging masaya si Janella upang mas maalagaan nito ang kanilang anak.

"I mean if she's not happy how can she be a good mother to our son."

Dagdag pa ni Markus, "Yeah, if she wants to go out and have fun. Of course." 

Ayon pa kay Markus napaka-amazing mother ni Janella sa kanilang anak dahil inuuna ng aktres ang kanilang anak sa kahit na ano pa man.

Samantala, ayon kay Markus hindi na muna siya maghahanap na pa ng lovelife dahil naka focus lamang umano siya ngayon sa kanyang career, sa kanyang sarili at sa kanyang anak.

Bukas naman umano ang aktor sakaling magsasama sila ng aktres sa iisang proyekto sakaling dumating man iyon.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo