Matteo Guidecilli, ‘May Papupuntahan’ Na Raw Ang Usapan Sa GMA!

Biyernes, Pebrero 10, 2023

/ by Lovely


Kumpirmadong dumalo sa isang meeting ang actor-host na si Mateo Guidicelli kasama ang ilang boss ng GMA 7 at ng Viva Communications, Inc. sa gitna ng usaping lilipat siya sa Kapuso network.

Inamin na ng asawa ni Sarah Geronimo na si Mateo Guidicelli sa kanyang guesting sa programang Fast Talk with Boy Abunda na nakipagmeeting na siya sa ilang executives ng GMA7 hinggil sa umano'y paglipat niya.

“Sabi ni Matteo on-going ang negotiations pero mukhang may papupuntahan ang pag-uusap,” ani Tito Boy sa isang segment ng kaniyang programa nang makausap ang actor-host.

Samantala, ayon sa aming nakalap na impormasyon, magiging bagong host si Mateo sa morning show ng GMA7 na Unang Hirit.

Sa ngayon ay nasa ibang bansa ang mag-asawang Sarah Geronimo at Mateo Guidicelli para sa selebrasyon ng kanilang 3rd wedding anniversary.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo