Marami ang humanga sa aktres na si Miles Ocampo sa kanyang espesyal na pagganap sa pilot episode ng FPJs Batang Quiapo ng ABS-CBN.
Nag-trending agad ang pilot episode ng teleserye ni Coco at talagang pinuri at trending pa sa social media ang mga artistang gumanap.
Ginampanan ni Miles ang younger version ng karakter ni Cherry Pie Picache na gaganap bilang nanay ni Coco sa teleserye.
Umani ng sari-saring reaksyon mula sa publiko ang mahusay na pag-arte ng aktres at trending.
Umaasa ang netizens na hindi sayangin ng aktres ang kanyang talento at bigyan pa siya ng projects dahil magaling talaga siya sa kanyang larangan.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!