Miss Universe Owner Anne Jakrajutatip May Bagong Kontrobersiyang Kinasasangkutan, Ghana Nawalan Na Ng Gana!

Lunes, Pebrero 13, 2023

/ by Lovely


Nilinaw na ni Miss Universe Organization owner Anne Jakrajutatip ng JKN Global Group ang tungkol sa bagong kontrobersiyang kinasasangkutan niya.

Matatandaan na diumano'y, kinansela ng Thai transgender woman billionaire ang mga kontrata ng franchise ng Miss Universe sa buong mundo dahil sa kanyang kagustuhan na magkaroon ng “open bidding “ para sa mga bagong franchise holder ng international beauty pageant na pag-aari niya.

Samantala noong sabado ay nilinaw na niya na tila isang misunderstanding lamang ang lahat.

“Seems something got lost in translation and information. The request of submission was meant to give voice and agency to the current directors. A way that they can speak truth to what they believe their business is worth."

Dagdag pa niya na nakarating sa kanya ang mga kumakalat na fake news. May mga komento pa umano mula sa mga netizens na hindi naman alam ang buong katotohanan sa kanyang organization.

“I saw some fake news, drama swirling plus some funny comments and doubt that how can someone criticize on something without getting the right info or interviewing anyone in the organization? Since when MUO said that the submission is all about the highest amount of money? It’s making no sense to me and it’s not my biz integrity to do so!"

Samantala, naglabas na ng official statement ang  MALZ Promotions, ang may-hawak ng prangkisa ng Miss Universe Ghana. Sa nasabing statement tuluyan na nilang tinuldukan ang pakikibahagi sa Miss Universe Organization.

“The new and sudden implementation of the Miss Universe Organization Business Model under the JKN Global Group's leadership are not aligned with MALZ Promotions' brand objectives and would hence like to discontinue the relationship with Miss Universe."



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo