Matapos ang paninira ni Mon Tulfo sa kapatid ni First Lady Liza Marcos na umano'y sangkot umano ito sa smuggling sibuyas, tinanggal na ito ngayon sa Philippine Star.
Matatandaang naging mainit na usapin sa social media ang tila pamimintang ni Mon Tulfo sa kapatid ni First Lady Liza Marcos. Sinabi nitong sangkot umano ang kapatid ng FL sa smuggling ng mga sibuyas.
"Ma'am, please don't get mad at me. I'm just trying to help the BBM Administration, please check rumors that your brother Martin is involved in smuggling in the piers. I've checked and it seems the rumors have basis. Why don't you have Ariel Nepomuceno take over if you want a clean Bureu of Customs?" pahayag noon ni Mon Tulfo na tila paninira sa kapatid ni FL Liza Marcos.
Tila kinarma naman umano si Mon Tulfo dahil ayon sa inilabas na statement, sinibak na ngayon si Mon Tulfo sa Pilippine Star. Nilinaw naman ng Philippine Star CEO na ang desisyon nilang pagsibak rito ay hindi dahil sa Malacanang kundi sa mismong assessment ng kanilang kompanya.
Subalit, marami pa rin ang hindi naniniwala na hindi ang palasyo ang dahilan ng pagkakasibak ni Mon Tulfo. Kumbinsido silang hindi ito basta-basta tatanggalin dahil marami ang sumusubaybay sa columns nito.
May mga nagsasabi namang baka ginawa lamang ito ng mga Belmonte upang gawan ng hidwaan sina Mon Tulfo at ng Marcos administration.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!