Nagsulsol Kay Willie Revillame, Sinabon at Pinalayas Na!

Lunes, Pebrero 13, 2023

/ by Lovely


Ibinahagi ni Cristy Fermin, sa pinakabagong episode ng Cristy Ferminute, ang ilang detalye tungkol sa absence umano ni Willie Revillame sa kanyang show na Wowowin.

Sa kanyang pakikipag-usap kay Romel Chika, sinabi ng beteranong columnist na kinontak siya ng isa sa mga dating kaibigan ni Willie. As per the veteran columnist, isa raw sa recent episode ng Wowowin ang replay dahil kasalukuyang wala ang main host.

"Ang sabi niya, replay daw ang ipinalabas na Wowowin nung isang araw dahil ang sabi, may sakit daw si Willie. Pero ang totoo, nasa yate, ayaw magtrabaho. Siguro nalulungkot, nagpapahinga parang ganun. Yun daw pong nagsulsol kay Willie ng kung anu-ano, kaya sumiklab yung galit niya na na-clickbait siya ayon sa kanya, sinabon ng todo-todo at pinagpahinga na," chika ni Manay.

Agad naman niya ipinahayag ang kanyang saloobin hinggil sa isyung ito.

"Alam mo, totoo 'to Romel eh, kung mahal mo at pinagmamalasakitan ang iyong boss, ang iyong kaibigan, dapat hindi mo siya binibigyan ng mga salitang makakapagpasiklab ng kanyang damdamin. Kasi una, si Willie ang nakasalang sa harap ng mga camera, siya ang napapanood. Hindi tama yung, 'Na-clickbait ako, yun ang nakarating sa akin' mali yun. Ang sabi ko nga, ang nakikinig sa mga sabi-sabi, walang bait sa sarili," saad ni Manay.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo