Netizen claimed Liza Soberano ang Enrique Gil Have Broken up

Huwebes, Pebrero 23, 2023

/ by Jerome

 

Dalawang araw din daw umanong pinag-usapan sa social media ang pagkakabura ng mga larawan at mga post sa Instagram account ng actress na si Liza Soberano.


Inisip kasi ng karamihan ay na hack ang account ni Liza pero kahapon lamang February 22 nagbalik ang actress at nag post sa kanyang Instagram account.


Subalit ganun paman ay hindi parin naibabalik o nakikita ang mga luma nitong post at mga larawan nila ni Enrique, o ang mga sweet memories nila ni Enrique Gil.


Samantala ayon naman sa kanyang mga masusugid na mga tagasubaybay ay hindi daw basta-basta na nagbubura ng mga larawan ang idolo nilang si Liza Soberano. Pero ayon pa sa kanila ay mayroon daw kakaiba sa nangyari ngayon. 


Ngayon ay isang post lamang ang makikita sa kanyang account, pero kapansin-pansin daw ang tila mga hugot niya dito na nagpapahiwatig ng panibagong simula, na naihambing pa niya sa isang bulaklak na nangangarap na makawala saisang harden.


Reaction naman ng mga netizens ay kanino niya daw gustong makawala , kanino ba daw niya ito tinutukoy, sa relasyon ba daw niya sa kanyang boyfriend na si Enrique o sa career niya dito sa Pilipinas.


Karamihan naman sa mga followers ng dalawa ay sinasabi na hiwalay na nga daw ang dalawa. kapansinpansin daw ang isang netizen na paulit-ulit ang kanyang komento natalagang pinaninindigan nito na talagang hiwalay na nga ang dalawa.


Ayon sa netizen na ito ay, "Break na po sila kaya leave them alone." Marami pang mga komento ng mga netizens sa nasabing post.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo