Sa edad na 77, tuluyang nang namaalam ang nobelista, manunulat, liberal activist, at political critic na si Lualhati Bautista.
Ang malungkot na balitang ito ay kinumpirma mismo ng pamilya nito ngayong February 12, 2023.
Sa inilabas na mga Facebook post nina Sonny Ross Samonte at Maria Rosario, ipinahayag nila ang pagpanaw ng kanilang first cousin.
“Sad News for our Torres Clan, Our first cousin Lualhati Bautista died at 77 yrs old this morning,” post ni Sonny Ross Samonte.
“May the Lord grant you eternal peace. Lualhati or Ne as we used to call you. Everyone will know your name and shall recall your story,” saad naman ni Maria Rosario sa kaniyang post.
Si Lualhati Bautista ay maituturing na isa sa mga pinakamahusay at popular na manunulat ng bansa. Ilan sa mga tumatak na akdang naisulat niya ay ang mga nobelang tulad ng ‘Dekada ’70;’ ‘Bata, Bata, Pa’no Ka Ginawa?;’ at‘ ‘GAPÔ.’
Samantala, hindi naman nabanggit kung ano ang sanhi ng pagpanaw ni Lualhati.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!