Nora Aunor, Hindi Alam na Ikakasama Pala ng Loob ni Matet Ang Naisipang Negosyo!

Martes, Pebrero 21, 2023

/ by Lovely


Nagbigay na nang pahayag sa unang pagkakataon ang beteranang aktres na si Nora Aunor hinggil sa nakaraang isyu nila ng anak na si Matet De Leon.


Sa kanyang guesting sa Fast Talk with Boy Abundo isiniwalat ni Nora Aunor na hindi niya alam na ikakasama pala ng loob ni Matete ang kanyang naisipang negosyo.


Maaari rin umanong may pinagdadaanan din si Matet sa mga panahong iyon na hindi niya alam kaya ganoon na lamang ang pagtatampo nito sa pangagagaya niya sa kanilang produkto.


"Siguro may pinagdadaanan din 'yung anak ko at hindi ko rin naman alam na may pinagdadaanan siya," pahayag ng Superstar.


Aminado din naman siya na may mga pagkukulang siya sa kanyang mga anak, subalit napag-uusapan naman nila ito sa tuwing nagkikita sila.


"Marami akong pagkukulang sa mga anak ko, pero pagka nagkikita kami nasasabi ko 'yung mga sama ng loob ko sa kanila."


"Pinag-uusapan namin, ano 'yung dapat gawin, nakikinig naman sila."


Matatandaan na nitong nagdaang Nobyembre naglabas ng sama ng loob si Matet De Leon sa inang si Nora Aunor matapos, gayahin nito ang kanilang negosyo.


Subalit agad naman silang nagka-ayos bago mag bagong Taon.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo