Ogie Diaz May Inilabas na 'Kunwaring' Blind Items!

Miyerkules, Pebrero 15, 2023

/ by Lovely


Ibinahagi ni Ogie Diaz sa isang Facebook post ang ilang kunwaring blind items na ayon pa sa kanya na kahit kunwari ay ipinapalagay pa rin ng karamihan na totoo.

Sa simula ng kanyang post, inamin niya na hangga't maaari ay ayaw niyang pag-usapan ang anumang blind item dahil una, graduate na umano siya dito at pangalawa, nagkaroon siya ng bad blood sa ilang tao dahil sa mga inilalabas na blind item.

Kasunod naman nito ay naglabas siya ng ilang 'kunwaring' blind items.

“Saka ayoko na yung magba-blind item ako, tapos, yung mga kaibigan mo naman, nagme-message na at itatanong kung sino yung tinutukoy mo kunwari na isang tv personality na mahilig sa babae, pero mahilig din sa lalake. Tapos, kunwari, ang clue ba ay nabanggit na sa paragraph na ito?” sey ni Ogie.

“O kaya, magka-loveteam na hingal na hingal na lumabas sa dressing room at baligtad ang damit nung lalake. Na ang nakakalokah, manghihingi pa ng initials kung nasa first 10 letters ba yan ng alphabet?”

“O, kilalang mag-asawa na pag nagpo-post sa social media, akala mo, sweet na sweet, pero yung totoo, hindi naman sila magkasamang natutulog sa isang kwarto,” kunwaring pa blind items ni Ogie Diaz.

Ilan lamang umano ito sa mga kunwaring blind items na ipinapalagay ng maraming netizens na katotohanan.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo