Ogie Diaz May Muling Pasabog sa 'Set Aside ang Pulitika' Statement ni Willie Revillame!

Miyerkules, Pebrero 8, 2023

/ by Lovely


Isa sa mga napag-usapan nina Ogie Diaz sa kanyang Showbiz Update YouTube channel nitong February 7 ay ang kontrobersyal na pahayag ni Willie Revillame sa pagsasara ng ilang programa ng ALLTV. 

Tila marami ang salungat sa naging pahayag ni Willie Revillame na isantabi muna ang usaping pulitika sa nangyaring pansamantalang pagkakatigil ng ilang self-produced programs ng AMBS.

"So yun ang sinasabi ng mga tao. 'Wag kang masalita kung meron ding maibabataong resibo sa'yo pabalik. So lahat halos ng mga binasa namin ay nag-react doon sa i-set aside natin ang politics," pahayag ni Ogie Diaz.

Sa naturang episode, muling binalikan ni Ogie Diaz ang mga hirit ni Harry Roque noong hindi nakakuha ng prangkisa ang ABS-CBN kung saan maraming mga empleyado ang nawalan ng hanapbuhay.

Matatandaan, na may mga binitawang mga banat si Harry Roque sa guesting nito noon sa Wowowin sa gitna ng controversial ABS-CBN shutdown.

"Seriously speaking, sana bago magbitaw ng mga salita si Willie, alamin niya muna 'yung background. Alamin niya muna kung may nasabi ba ako dati, noong araw na masama sa kapwa ko o sa kompanyang pinaglingkuran ko dati," ani Ogie. 

"Alam ko naman si Willie tumatanaw ng utang na loob sa ABS-CBN. Pero syempre sa mga pagkakataong kailangan ng suporta ng ABS-CBN mula sa mga taong minsan ay naging bahagi ng kanilang pagsikat ang ABS-CBN, sana tumatanaw din sila. Sana nararamdaman din 'yung kanilang suporta, kahit ano lang tweet, post, isang statement, naku malaking bagay 'yun," dagdag pa ni Ogie.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo