Matapang na binwelahan ni Ogie Diaz ang mga banat ni Willie Revillame patungkol sa mga taong wala umanong utang na loob.
Inamin mismo ng talent manager at showbiz reporter na si Ogie Diaz na siya ang tinutukoy ni Willie Revillame na 'reporter' na tumanggap sa kanya ng 50k. Subalit pinagdidiinan ni Ogie na hindi niya personal na ginamit ang pera, bagkus ay ibinigay niya ito sa GMA Foundation.
Matatandaan na sumabog sa inis si Kuya Will matapos mabasa ang ilang mga pahayag ng mga aniya'y natulungan niya noon na walang mga utang na loob. Bagama't hindi niya ugaling manumbat subalit tila nakakalimot na umano ang mga ito sa mga naitulong niya noon.
Samantala, mababasa sa official Facebook page ni Ogie Diaz ang kanyang pahayag at saloobin hinggil sa mga binitawang pasaring ni Willie Revillame.
"Kayo ang may utang na loob sa akin!"
Sabeeee???!!!!
Sana, pagkatapos niyang manumbat ng mga naitulong at nagawa niya sa kapwa, gumaan ang pakiramdam niya. Nabunutan na siya ng tinik. 'Yung wala siyang pinagsisisihan at pinaninindigan niya kasi para sa kanya, kailangan na niyang manumbat.
In short, sana, na-happy siya sa kanyang ginawa. At nakaginhawa sa kanyang mental health," matapang na pahayag ni Ogie Diaz.
Nagbigay din ng mensahe si Ogie sa lahat ng mga natulungan ni Willie at maging ang nabigyan ng jacket na huwag silang maglabas ng kung anong statement upang hindi din sila sumbatan ni Willie.
"Sino pa ang ibang nabigyan ng tulong niya? 'Yung nabigyan ng jacket diyan? Behave kayo, ha? May baon ang lolo n'yo against you pag nangyari 'yon.
At wag kayong tatanggap ng anumang tulong o bigay o pabor, kung ayaw n'yong masumbatan balang-araw."
Samantala, iginiit ni Ogie Diaz na hindi niya personal na ginamit ang 50K na ibinigay sa kanya ni Willie dahil kaagad umano niya itong iniabot sa GMA Foundation.
"Oh, by the way. 'Yung 50k cheque noon, habang ibinibigay niya sa akin ay nakikita ng mga tao sa dressing room niya. Hiyang-hiya man ako eh tinanggap ko pa din.
Tapos, idiniretso ko din sa Kasuso Foundation. Naisip ko, mas kailangan ng mga breast cancer patients na itinataguyod namin ang pera kesa kailangan ko."
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!