Pabaya kasing ama! Pamilya ni Yen, ‘di boto kay Paolo

Linggo, Pebrero 12, 2023

/ by Sparkle

 



Kung si Cristy Fermin ang tatanungin, dapat mag-ingat si Yen Santos kay Paolo Contis dahil mismong ang aktor ang nagsabi na hindi niya ito kinakausap at hindi niya sinusuportahan ang kanyang mga anak.


Sa 'Showbiz Now Na' ni Cristy, nakahanap umano siya ng impormasyon na hindi boto ang pamilya ni Yen kay Paolo dahil sa isyu ng pagpapabaya ni Paolo sa kanyang mga anak sa dating karelasyon.


“May mga sources po kami na hindi po nanununog at hindi po nangunguryente na noon pong una ay okay lang, pero noong lumabas na raw po ang kwento tungkol sa mga ginagawa ni Paolo Contis sa kanyang mga anak kina LJ Reyes at Lian Paz, iba na ang timpla!” wika ni Cristy.


Ayon kay Romel Chika, maaaring natakot ang ina ni Yen dahil sa 'true attitude' ni Paolo.


Sabi ni Cristy, kung close siya kay Yen, sasabihin niyang mag-ingat dahil baka matulad siya kina LJ at Lian, na nabuntis pero hiwalayan din ni Paolo.


Sinabi rin ni Cristy na mali ang ginawa ni Paolo na putulin ang komunikasyon sa kanyang mga anak matapos makipaghiwalay kina Lian at LJ.


“Delikado ‘yung estado ni Yen ngayon na naglabasan ‘yung tungkol sa mga anak ni Paolo na hindi man lang kinukumusta, na hindi man lang niya nakikita sa loob ng mahabang panahon, hindi tama ‘yon,” lahad ng showbiz columnist.


“Mapagbibigyan siguro kung wala talagang sustento, baka totoo naman na naghihintay pa talaga siya ng tamang pagkakataon. Pero ‘yung hindi mo makita ang mga anak mo, natitiis mo? Bibihira mga magulang na ganyan,” aniya pa.


Matatandaang sa panayam ni Boy Abunda, inamin ni Paolo na matagal na niyang hindi nakakausap ang kanyang mga anak.


Ibinunyag din niya na hindi siya nagbibigay ng anumang suporta sa kanila, ngunit siya ay nag-iipon para sa kanila.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo