Pabaya Kasing Ama! Pamilya Ni Yen Santos, 'Di Boto' Kay Paolo Contis!

Linggo, Pebrero 12, 2023

/ by Lovely


Tila nagbigay ng prangkang payo sa aktres na si Yen Santos ang ilang mga netizens na dapat ay iniwasan na umano nito si Paolo Contis, matapos ang pag-amin ng huli na hindi nito nakakausap at hindi din siya nagbibigay ng sustento sa kanyang mga anak sa dating mga nakarelasyon.

Sa programang Showbiz Now Na nina Manay Cristy Fermin, ipinahayag ng veteran showbiz columnist na nakarating sa kanya ang bali-balitang hindi umano boto kay Paolo ang pamilya ni Yen Santos dahil sa mga ginawa nito sa kanyang mga anak sa dating mga nakarelasyon.

Ayon pa kay Cristy Fermin, na okey naman umano noong una ang pamilya ng aktres kay Paolo Contis. Subalit nang lumabas ang pag-amin ni Paolo Contis na hindi niya sinusustentuhan ang mg anak niya kina Lian Paz at LJ Reyes, tila na dismaya ang pamilya ni Yen.

Ayon naman sa kasamahan ni Manay Cristy Fermin sa programa na si Romel Chika, baka natakot umano ang ina ni Yen sa maaaring kahihinatnan ng anak sa kamay ni Paolo.

Pinahayag naman ni Cristy na kung siya man ay malapit sa aktres ay pagsasabihan din niya ito dahil baka iwan din ito ng aktor sakaling magbuntis at magkaanak.

Dagdag pa ni Cristy Fermin, matatanggap pa ang hindi pagbibigay ng sustento subalit ang pagtitiis na hindi makita ang mga anak ay ibang usapin na, dahil bihira lamang ang mga magulang na natitiis ang mga anak.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo