Pagiging Sikat Nila Julia Montes at Kathryn Bernardo Ninais Din Daw Ni Miles Ocampo!

Miyerkules, Pebrero 22, 2023

/ by Jerome

 

Miles Ocampo ninais din daw ang kasikatan nina Kathryn Bernardo at Julia Montes.


Matatandaang nagtrending at pinuri ng mga netizen si Miles Ocampo sa husay nitong umarte sa eksena nito sa Batang Quiapo. 


Hindi daw niya inakala na pag-uusapan ang kanyang galing sa pag-acting. Ngunit bago paman ito ay inamin ni Miles na umabot na daw sa puntong muntik na siyang sumuko sa kanyang career.


Kasabayan niya daw kasi sila Kathryn at Julia na ngayon ay sikat na sikat na. Ayon kay Miles, "Pangarap ko talagang sumikat, pinagkakaguluhan, kaso wala gaanong work. Kaya naisip ko na may mangyayari paba kaya sa akin?"


"Sina ate Julia at ate Kath sa first batch namin na sikat na sikat after 'Mara Clara' tapos nandoon ako sa awkward stage na, gusto ko rin ng ganun, hindi ko ide-deny na sinabi ko na sana ako rin ganon."


Dagdag pa ni Miles na, "Pero sa industry natin mari-realize mo na hindi na sayo ang spotlight all the time. Lagi kong iniisip ate, na baka hindi ko pa talaga time." 


Pero mukang oras na daw niya ngayon dahil nga sa pagiging trending niya sa Batang Quiapo ay kaliwa't kanan na daw ang offer sa kanya para sa mga product endorsement.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo