Paolo Contis May Nilinaw sa Viral TikTok Video ni Yen Santos!

Huwebes, Pebrero 9, 2023

/ by Lovely


Labis na ikinagulat ng aktres na si Yen Santos na nagviral ang isang Tiktok video kung saan makikita siyang nag-eensayo sa loob ng isang gym na ibinahagi ng isang Coach Flex.

Samantala, sa isang panayam may nakakagulat na isiniwalat ang boyfriend ni Yen na si Paolo Contis hinggil sa nasabing viral video.

Ayon kay Paolo Contis, hindi umano niya alam na may ganoong video si Yen kaya tinanong niya mismo ang dalaga tungkol dito.

Sinabi raw ni Yen, matagal na siyang hindi nag-e-ensayo. Ang tantiya raw niya, four years ago pa ang kuhang iyun, na maaring ini-repost lang nitong Coach Flex.

Nilinaw pa ni Paolo ang pagkakamali ng nagpost na nakilala sa username na Coach Flex. Ayon kay Paolo hindi masama ang magrepost subalit mali ang nilagay nito sa caption na 2023 gayung matagal na palang kuha ang nasabing video.

Tila nakarating naman kaagad sa nasabing Tiktok user ang himotok ni Paolo dahil makikitang binura na nito ang caption na 2023 sa kanyang post.

Matatandaang, umani ng samu't-saring pambabatikos mula sa mga netizens ang nasabing video sa Tiktok. May mga nagkomento ng masasama sa aktres kagaya na lamang na nagpapasexy ito upang hindi iwan ni Paolo Contis at marami pang iba.

@coach_flex Workout with Yen Santos #fitness #bodybuilding #coachflex #alagangflex #tiktokphilippines #tiktoksportsph #trending #viral #celebritycoach #workoutwithme ♬ original sound - COACH FLEX ™

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo