PBBM, ipinagmalaki ang pagtutulungan ng gobyerno at private sector sa bagong gusali sa Clark Airport

Sabado, Pebrero 25, 2023

/ by Sparkle

 


Binigyang-diin ni Pres. Bongbong Marcos na ang Pilipinas ay bukas para sa negosyo. Sinabi niya ito sa grand opening ng bagong terminal building sa Clark International Airport.


Sa talumpati ng Pangulo sa Clark Airport sa Pampanga, ipinagmamalaki niya kung paano nagtutulungan ang gobyerno at pribadong sektor para sa pagtatayo ng terminal building.


Ang ganitong uri ng pagtutulungan ay hihikayat sa mga dayuhang negosyante na mamuhunan sa bansa.




Dagdag pa ng Pangulo, kailangang pagbutihin ang mga pasilidad sa mga paliparan sa rehiyon upang makaakit ng mas maraming bisita sa ating bansa.


"Habang hindi pa natin naaayos ang airport sa Maynila, kailangan nating buksan ang mga airport sa Regional. Huwag natin pinipilit lahat na kailangang dumaan ng Maynila."


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo